Gayon man ang mga ito ay gumigiray dahil sa alak, at dahil sa matapang na alak ay pahapayhapay; ang saserdote at ang propeta ay gumigiray dahil sa matapang na alak, sila'y nangasakmal ng alak, sila'y pahapayhapay dahil sa matapang na alak: sila'y nangamamali sa pangitain, sila'y nangatitisod sa paghatol.
Ang mga ito ay sumusuray din dahil sa alak, at dahil sa matapang na alak ay pahapay-hapay; ang pari at ang propeta ay sumusuray dahil sa matapang na alak, sila'y nililito ng alak, sila'y pahapay-hapay dahil sa matapang na alak; sila'y nagkakamali sa pangitain, sila'y natitisod sa paghatol.
Gayon man ang mga ito ay gumigiray dahil sa alak, at dahil sa matapang na alak ay pahapayhapay; ang saserdote at ang propeta ay gumigiray dahil sa matapang na alak, sila'y nangasakmal ng alak, sila'y pahapayhapay dahil sa matapang na alak: sila'y nangamamali sa pangitain, sila'y nangatitisod sa paghatol.
Pero ngayon, pasuray-suray ang mga pari at mga propeta, at wala na sa tamang pag-iisip. Mali ang pagkakaunawa ng mga propeta sa mga pangitain, at hindi tama ang mga desisyon ng mga pari.
Sumusuray na sa kalasingan ang mga pari at mga propeta kaya sila'y nalilito. Hindi na maunawaan ng mga propeta ang nakikita nilang pangitain; at hindi na matuwid ang paghatol ng mga pari.